Wednesday, February 9, 2011

Hours to go...

Date: February 9, 2011
Time: 9:21 P.M. 


Hourse to go Monthsary SANA namin.. kaso lang, it turns out na wala ng e'celebrate on that day.. SAD! ive been 3 days offline on my FB just to try if i can do it not watching her pics.. kaso d ko kaya na d ko man lang makita ang mukha nya.. ive been thinking what to do.. and ito.. lahat ng gusto kung sabihin :( i miss her voice.. miss her face.. most of all.. I MISS HER A LOT.. Alam ko naman na mahal mo ako.. Alam ko, alam ko kahit hindi mo pa sabihin. Alam ko na kapag sinasabi mong “ITS TIME TO MOVE ON” alam mong nasasaktan ako, pero sa kabila nun alam kong nasasaktan ka rin. Alam kong mahirap ang SET-UP natin. Matigas lang talaga ang ulo ko, naniniwala na ikaw na talaga yung para sa akin. Sa ating dalawa alam ko, ako ang madalas gumamit ng puso. Ikaw? Ikaw pareho mo silang napapagana. Hindi ko nga alam kung bakit, kung bakit nakontrol kita… At kung bakit hinayaan mo pang makontrol ka ng puso ko, kahit pa pinagana mo na ang utak mo… Siguro nga mahina ka rin. TULAD KO. Pasensya na talaga, pinagulo ko pa tuloy ang buhay ng matagal ng gustong manahimik. Ngayon, alam ko pinapagana mo na naman muli ang utak mo, at sa panahong ito…UTAK mo lamang! Wala nang PUSO. Mahirap isipin na sumusuko ka na, siguro nga hindi mo lang ako ganoon kamahal. Hindi tulad ko…BUO 
Pero mali rin naman na husgahan kita o sukatin ang pagmamahal mo para sa akin. Dahil hindi tama yun. Ngayon, susuko na rin ako…Tinataas ko na RIN ang bandila, wala na akong ilalaban pa. Pagod na pagod na ako. PAGOD NA KO. Patawad dahil minsan, BITTER ako. Pasensya na. Hindi kasi ako tulad mo. Hindi kayang magkunwari na masaya. Dahil hindi naman talaga ko masaya. Lalo na kung isa lang naman ang magpapasaya sa akin.. At Ikaw yun, pero kung sa tingin mo ito ang tama.. tatanggapin ko na lang yun, dahil alam kong ang TAMA ang laging NAKAKABUTI.. Wag ka ring mag-alala, lilipas din ang lahat. Unti-unti- makakalimutan din kita, tulad ng ninanais mo. Hangad ko ang lahat ng mabuti para sayo. Ligaya na alam kong hindi na ako ang magbibigay, I KNOW ONE DAY I WILL BE REPLACE, pero gayunpaman.. Sana lumigaya ka... Totoo, minahal kita at hindi na siguro ako magmamahal ng katulad ng pagmamahal ko sayo, o kung mahihigitan man yun, siguro maalala ko pa rin ang sandaling ito. Sandali kung saan nalaman ko na ang PAG-IBIG pala ay nangyayari talaga sa hindi mo inaasahang mga lugar, panahon, at oras. Hindi napapaplano at hindi rin kayang kontrolin kahit gaano ka pa kalakas. Natatandaan ko pa noon, sinasabi ko sa sarili ko na hindi naman talaga kita mahal, na naghahanap lang ako ng taong mamahalin, ng magpupuno sa iniwang lugar ng iba dito sa puso ko. Pero ngayon, huli na pala, bakit ngayon ko lang nalaman na ganito na pala kita kamahal. BAKIT????? Noon, gusto kong isipin na hindi naman talaga kita kailangan, na kaya kong mabuhay ng wala ka, na hindi ako mahina na tulad ng iniisip mo, na kaya ko ang mga bagay ng wala ka sa buhay ko. Ng wala ka…Pero yun lang ang binubulong ng utak ko. Utak na itinakda to use at paganahin, na talunin ang puso. Nakakatawa sapagkat napakaliit lang ng puso ko, pero bakit ang sakit nito??? putchaks!!! Ang gulo talaga ng isip ko ngayon, pero kahit ganun pa, alam ko sa susunod na mga araw, magbabalik ulit ako sa dati. At alam ko yun…Alam ko. And for the lastime.. kahit ngayon na lang - i want you to know dear MAHAL KITA... ang gulo talga ng isip ko! tang-ina.. 

i just seen qoutes from net..

“THERE ARE THINGS THAT WE REALLY LOVE BUT WE HAVE TO LET GO…NOT BECAUSE WE STOP WANTING THEM… BUT WE REALIZED IT’S NOT FOR US.”

pero dear.. I will TRY!!! Pacensyahan mo nalang ako!! 

No comments :

Post a Comment