Monday, August 22, 2011

naalala nyo pa ba ang MIRC???


nung di pa nauso ang mga social networking sites, may mundo na sa ilalim ng internet na halos napag-iwanan na ng panahon.

ang MIRC or microsoft internet relay chat ay isa sa mga sikat noon na chatting medium. sa pagkakaalam ko di na kailangang mag-register(pero mas mabuti kung nareregister ang nickname para di makuha ng iba). its been 6 years at ngayon ko lang nalaman na napaka-complicated pala nito.

kung may nickname ka na, mamimili ka lang ng server at pagkatapos join ka ng room or channel. for example #worldchat, #love etc. halos lahat na yata ng kalokohan nandito na. syempre, pugad rin ang mirc ng mga epal, posers at seaman. in the brightside, marami kang nakikilalang tao at pwede ka pang makipag eyeball sa ka-chat mo.

nung 1st year high school or elementary na yun, panahon yun ng counter-strike, hentai at flash games. napansin ko ang MIRC at talagang na-curious lang ako. masaya pala talagang makipag-chat. nagpanggap lang akong 18 years old, it major at single. nakakalibang talagang makipag-usap sa taga ibang bansa. yes, really. may naka-chat akong form us, europe at asia. kadalasan, naghahanap lang ng makausap at yung iba masyadong horny, bata pa ako nun.

isa sa mga memorable chat moments ko ay sa mga universities gaya ng #admu. marami pa talagang adik noon at nakakatuwa talaga makipag-usap sa di mo kakilala. (don't talk to strangers) para na rin kaming nagkakape. sharing ng problems, love life at mga question & answers. dahil nasa cagayan de oro pa ako noon, pumapasok ako sa #cdo #cagayan at pati na rin mga regional gaya ng #cebu at #manila. it was all for the free time. hanggang sa dumating ang friendster at myspace. at ngayon facebook at twitter. nagmistulang ghost town ang mirc. may iilan pa rin namang gumagamit. iilan na lang talaga.

lalo na ng dumating ang skype at yahoo messenger na may webcam at voice support. pinabayaan na ba talaga ng microsoft ang MIRC? this shit still exist, folks. sabi nga nila, ang tunay na fashion ay di nalilimutang gaya ng uso. MIRC started it all.

No comments :

Post a Comment