Hindi ko maintindihan yung ibang tao na sinasaktan ang sarili nila para sa iba pang tao.
Yung iba naman, dahil sa sobrang depresyon daw.
Yung tipong sobrang sakit na ng nararamdaman nila eh, sinasaktan nila yung pisikal na sarili nila para daw malabas lahat ng sakit. Ewan ko.
Basta ako, nalungkot na rin ako minsan.
Todo-todo rin pero never kong inisip saktan ang sarili ko hindi dahil sa makasarili ako at hindi ko kayang gawin yun, hindi rin dahil sa takot ako sa matatalim na bagay.
Oo takot ako sa ganung bagay pero hindi yun ang dahilan.
Simple lang. Alam mo kasi, kahit saktan mo ng saktan ang sarili mo, hindi ibig sabihin eh, hindi ka na masasaktan ng iba.
Hindi rin yan pagpapakabayani noh!
Binabaril sa Luneta yang mga ganyan. Joke lang! Ang ibig kong sabihin, wag ka nang magpakamartir.
Pag masakit na masyado, tama na!
Matuto ka rin dapat tanggapin na ang PAIN ay laging nandiyan para maappreciate mo yung RELIEF.
Paano mo nga naman malalaman na kaya kang PAGHILUMIN kung hindi ka NASUSUGATAN? Two sides kasi yan palagi.
But never, ever do that to yourself.
Sarili mo nga kaya mong saktan, what more kung ibang tao na yan? So matuto kang mahalin muna ang sarili mo para magawa mo ring mahalin ang ibang tao and in return, mamahalin ka rin nila.
Issshhhh..tupid!
No comments :
Post a Comment