Friday, August 31, 2012

bakit kaya?

bakit ba may mga bagay na mahirap tanggapin at unawain?

-mga maling masarap naman sa pakiramdam?
-mga tamang mabigat sa kalooban?

bakit ba kailangan pang magmahal kung di ka naman
siguradong hanggang sa wkas ay nasa puso mo pa
rin ang pagmamahal na ito?

bakit ba kailangan nating laging sumugal, manalo
ngunit sa huli'y tayo rin ang masasaktan?

bakit ba kayhirap maging matuwid?
at gakurap lang ay makakagawa na tayo ng isang
bagay na habang buhay nating pagsisisihan?

bakit ba mahirap na tumanggi?
bakit ba bibihira ang nadadala?

at bakit ba andaming pwedeng maging bakit?

bakit kaya?

No comments :

Post a Comment