Tuesday, October 25, 2011


Malapit ng sumapit ang araw ng mga patay
Ang mga tao dito sa syudad nais mag-uwian
Sa kani kanilang mga probinsya o lalawigan
Upang gunitain mga kamag-anak na pumanaw
—–
Marami na rin ang bumisita sa sementeryo
Upang linisan at mapinturahan ang mga nitso
Pati ang paligid nito ay tatabasan ng damo
Upang masiyahan ang mga mahal nilang yumao
—–
At pagsapit ng eksaktong araw ng mga patay
Dala nila’y sari-saring bulaklak na iaalay
Ganun din ang mga kandilang may iba’t ibang kulay
Tanda ng pagmamahal sa yumaong mahal sa buhay
—–
Iba’t ibang tagpo ang makikita sa sementeryo
May kanya kanyang gimik ang mga nagtutungo rito
Mga kabataang dumadalaw may dala pang radyo
Sari-saring ingay, naririnig ng nagrorosaryo
—–
Habang mga kamag anak taimtim na nagdarasal
Sa kaluluwang nasa purgatoryo o kalangitan
Sa isang sulok ng nitso’y may kwentuhan at tawanan
At may mga kabataang patuloy na nagsusugal
—–
Sari-saring pagkain ang kanilang inihahain
Kahit maghapong mamalagi doon ‘di gugutumin
Kung iyo ngang pagmamasdan mukhang nagpiknik ang dating
Kulang lang pati ang yumao’y bumangon at kumain
—–
At pagsapit ng ilang oras ng kanilang pagdalaw
Sila’y babalik sa kani-kanilang mga tahanan
Magmumuni-muni ng mga ala-alang iniwan
Nang mga mahal nilang kamag-anak na pumanaw
—–
Bagaman malungkot ang pag dalaw sa sementeryo
Dahil sa masakit nilang paglisan dito sa mundo
Ay nagiging masaya na rin dahil sa kumustahan,
Kwentuhan at tawanan ng mga kamag anakan



I Miss you My Erpat.. :(

No comments :

Post a Comment