Wednesday, October 5, 2011

May tama bang paraan o linya sa pakikipaghiwalay?


Heto ang ilan sa kanila:

1. IT’S NOT YOU, IT’S ME – Anak ng hilaw na sayote. Isa sa pinaka lumang litanya. Sa sobrang luma nito, pwede na siyang itabi sa “I shall return” ni Mcarthur. Kung may iba pang chicks noon, malamang ito ang ginamit ni Adan para makipagbreak kay Eba. Ikaw naman pala ang may problema, bakit sakin ka nakikipaghiwalay? E di dapat ang iwanan mo e yang sarili mo. Schizo kaba o naka coccaine?

2. YOU’RE TOO PERFECT FOR ME – Applicable lang ito dun sa mga jowa na halos nasa kanila na ang lahat. Gwapo/Maganda. Matalino. Mayaman. May magandang career. Magaling sa sports. May alam sa music. May sense of humor. Mabait. Samakatuwid. Noong umulan ng magagandang katangian, may dala siyang planggana. Siya lang ata ang anak ng Diyos. Hindi ito pwede sa bf/gf mong ex-con o drug pusher.

3. IT’S NOT WORKING – Isa sa pinakamalabo. Bakit “not working”?. Sira ba tayo na parang alarm clock na hindi tumutunog? O cellphone na hindi nakakareceive ng call kahit may signal? Ano? Kelangan bang palitan ang mga battery natin?

4. MAYBE WE’RE NOT MEANT TO BE – Naks. Paano mo naman nasabi yun? Dahil ba hindi tayo nagtagpo sa ilalim ng gabi na puno ng bituin? Dahil ba magkaiba ang sinagot natin sa compatibility quiz sa internet? Dahil ba vegetarian ka at nasusuka ako sa chopsuey? O dahil ayon sa horoscope e hindi tugma ang mga zodiac sign natin? Diba may bagong sign na nadagdag? Icheck mo ulit. Baka this time. Meant to be na.

5. I THINK WE WOULD BE BETTER OFF AS FRIENDS – Sabagay. Kaya nga kita hinahatid sundo araw-araw. Kaya kita dinadalaw sa bahay niyo. Kaya kita tinetext ng iloveyou bawat oras. Kaya nga kita nililibre ng sine at dinner linggo-linggo. Kaya kita nireregaluhan ng alahas at sapatos kahit wala na akong makain. Kasi alam ko, sa bandang huli, FRIENDS parin tayo. Pakyu.

6. I’M NO LONGER HAPPY – Bakit? Teka. May mga bago naman akong knock-knock. Promise, di ko na uulitin yung joke tungkol sa contest ng hapon, intsik at pilipino sa pagpapalakasan ng putok. Mag-aaral ako ng juggling. Matuto din akong mag-magic.Magpaparetoke ako para maging kamukha ni Mr. Bean.

7. I FELL OUT OF LOVE – Asan? Baka pwede pang damputin? Pag-pagan lang natin. Wala pa namang 5 minutes o dumaan na eroplano.

8. I NEED SPACE – isa pang malabo. Bakit? Buong araw ba tayong naglalakad sa isang masikip na eskenita? Pero kung gusto mo talaga ng space, halika, ilalaglag kita sa gitna ng pacific ocean.

9. MAYBE IT’S NOT THE RIGHT TIME – Parang linya lang sa kantang “somewhere down the road”. We had the right love at the wrong time. Teka. Kelan ba ang tamang panahon? Pwede bang sabihin mo para mai-ekis ko sa kalenaryo namin? Siguro naniniwala siyang magugunaw na ang mundo sa 2012.

10. I HAVE A DIFFERENT SET OF PRIORITIES – Sinabi ko bang umabsent ka sa trabaho para makapamasyal tayo sa Luneta? Binabawasan ko ba ang sahod mo na parang SSS at PAGIBIG? Kinumbinsi ba kita kahit minsan na iwanan ang pamilya mo at magpalit ng career bilang suicide bomber?

11. I DON’T SEE MY FUTURE WITH YOU – Ok lang sakin to. May lahi pala sila ng manghuhula. Itanong mo ang kombinasyon na tatama sa lotto bago ka umuwi.

12. YOU’RE NOT THE ONE – Patay tao diyan. Solid hit ito. Kumbaga, hindi ikaw ang tamang susi para sa isang kandado na tulad niya. So hindi bubukas. Hayaan mo na. Tandaan, ang mga kandado ay bagay lamang sa bilibid.

13. WE’RE TOO SIMILAR – Hala. Sobra naman daw ang compatibility niyo. Nagiging predictable at boring na ang relasyon. Hayaan mo na, tanggapin mo nalang pag sinabihan ka ng ganun. Sabay regaluhan mo ng aso. Pakasalan niya kamo. Ewan ko lang kung maging “too similar” pa. Hayop yun. Tao siya.

14. WE’RE TOO DIFFERENT – Sala sa init. Sala sa lamig. Masyado naman kayong magkaiba kaya daw hindi nagwowork. Ano bang gusto ng BF mo? Parehas kayong may bigote? Ano ba gusto ng GF mo? Pareho kayong gumagamit ng sanitary napkin?

15. YOU DESERVE SOMEONE BETTER – Bakit? Higanteng teddy bear ba ako na premyo sa Timezone at kulang ang ticket na napanalunan mo?

16. WE’VE GROWN APART – Ano tayo? Sanga ng punong acacia?

17. I DON’T SEE MYSELF IN A RELATIONSHIP RIGHT NOW – tang ina ka. Bakit ngayon mo lang sinabi??

18. WE SHOULD CONSIDER OTHER OPTIONS – aruy. Sabagay, kung sa carinderia nga, di pwedeng puro adobo nalang ang ulamin mo. Try mo din yung piniritong isda na kahapon pa naghihintay na may bumili.

19. MAYBE THERE’S SOMEONE ELSE FOR BOTH OF US – oo naman. Gusto mo ireto kita sa tropa ko? Si Jograd. Mabait yun. Kalalabas niya lang ng manila city jail. Rape with murder ang kaso. Magkakasundo kayo. Try mo lang. Ano ngayon kung puro tattoo sa braso? Art yun. And dont judge a book by its cover.

20. WE’RE NOT THE SAME PEOPLE AS WE WE’RE BEFORE – ibig sabihin di na siya tao. Bampira na siya. O werewolf na may six pack abs.

Umpisa palang yan. Syempre may secondary ammunition pa.

1. I HOPE WE COULD STILL BE FRIENDS – Oo naman. Buburahin nga lang kita sa Facebook, Twitter at cellphone ko. Susunugin ko din mga litrato mo para gawing bonfire. At wag na wag kanang dadaan sa bahay. Bibili ako ng bagong aso. Yung hindi ka kilala. Para lapain ka kung sakaling maligaw ka samin. Pero friends parin tayo.

2. I STILL CARE – ibig sabihin nito, wag mo daw bawiin yung mga mamahaling gamit na niregalo mo sa kanya.

3. I LOVE YOU, BUT IM NOT IN LOVE WITH YOU – Astig. Nakuha niyang durugin ang puso mo ng pinong-pino na tila pulbos ng espasol dahil lang sa salitang “IN”. Kahit sa scrabble hindi pwede yun eh.

4. I WILL TREASURE YOU FOREVER – ako din, i will treasure you forever. Pwede ko bang hingiin ang bungo mo para gawing souvenir??

5. YOU WILL REALIZE THAT IT’S FOR THE BETTER – siguro nga. Dadating ang panahon na matatangap ko din. Salamat ha. For the mean time, pwede ba kitang saksakin ng bread knife sa leeg? Pang-alis stress lang.

6. YOU’RE LIKE A BROTHER/SISTER TO ME – kung trip mo ding halikan ang kapatid mo tulad ng sa atin. Patingin ka sa psychiatrist.

7. IT’S NOT THAT THERE’S SOMEONE ELSE (FOR NOW) – wala naman daw siyang iba. as of this moment. habang kausap ka niya at mahigpit ang hawak mo sa tinidor at kutsilyo.

8. IT’S OVER, PLEASE UNDERSTAND – oo nga naman. Intindihin mo siya. Mukhang hirap na hirap si gago sa pinagdadaanan niya. Sana maintindihan ka rin niya pag sapilitan mo siyang pinainom ng insecticide.

9. MAYBE IT’S STILL US IN THE FUTURE – astig. Pansamantala muna niyang dudukutin ang puso mo at ilalaglag sa blender. Tapos ibabalik niya sayo ang baso ng dinuguan shake kalakip ang pag-asa na baka bukas o sa kabilang buhay e magiging kayo uli. Sarap no.

10. YOU’RE STILL MY BEST FRIEND – the best. Ayaw mo nun? Bestfriend ka pa rin niya? So ibig sabihin, ililibre mo parin siya at obligado kang magregalo tuwing may okasyon. Anong kapalit? Ikaw lang naman ang unang makakaalam kung sino ang bago niyang jowa. Ikaw din ang unang makakarinig ng mga “sweet moments” nila nung ipinalit sayo, habang ikaw ay busy sa paghihigpit ng tali sa iyong leeg na nakasabit sa ceiling fan.
Pagkatapos mong palitan ang pangalan niya sa phonebook bilang Lucifer, gawing scratch paper ang mga sulat niya pag math exam, idikit ang picture niya sa mga wanted posters, ituro siya bilang prime suspect sa holdapan ng mga computer shop, idelete sa mga social networking sites, ipagkalat na ipinanganak siyang may buntot na parang unggoy. Aminin mo. Ilang beses mo paring chinecheck ang profile niya sa FB gamit ang isang dummy account. Natural lang yun. Alangan namang maghanda ka pa ng pansit at biko dahil iniwan ka ng jowa mo. Di madaling lumimot. Pero lilipas din yan. Parang gutom. Mahapdi sa simula. Pero nawawala din. Dadating ang oras, matatawa ka nalang kung bakit mo pinagaksayahan ng luha ang gung-gong na yun.
Siguro wala namang swabeng linya na aaktong parang anaesthesia. Mabango lang sa pandinig ang ilan. Pero pag narealize na ng utak kung anong nais mong sabihin (depende kung slow ang pinagsabihan), iisa lang ang resulta noon. Konting respeto lang ang kailangan. Kung pwedeng personal, wag nang daanin sa text o tawag. Mas malala kung missed call lang. Ano yun? May secret code kayo? “Love, pag nag missedcall ako sayo ng 13 times, ibig sabihin nun, break na tayo ha??, love you tsup!!”.
Hindi lahat ng nakipaghiwalay sa kanilang mga karelasyon ay manloloko. At hindi lahat ng nanatili sa kanilang “relationship status” ay matino.
Ang nabigong pag-ibig ay parang sugat. Patakan mo ng kalamansi. Para di ka maiputan ng ibong adarna.

--> "being bitter is better than committing suicide"

No comments :

Post a Comment