Madalas mong nasasabi yan sa kanya tuwing nag-aaway kayo. Paulit-ulit na lang kasi. Kaya nakakasawa na. Di mo na siya maintindihan. Ang dami niyang sinasabi pero ni isa sa mga sinabi niya di mo naman nagawa. Sinusumbatan ka niya sa lahat ng pagkakamali mo. Nakakairita na. Gusto mo siyang sigawan pero di mo rin kayang makita siyang lumuluha.
Pasensya. Pasensya na lang. Nagpapataasan na kayo ng pride. Ayaw magpatalo. Parehong may gustong sabihin. Parehong tama. Kaya nung sinabi mong tama na. Na pagod ka na, Natahimik siya. Akala niya kasi hiwalayan na. Kaya sumagot siya,
“OO! tama na talaga! Pagod na din ako!”
Umalis na siya. Nag-walkout. Naiwan kang mag-isa. Napaisip.. Tapos na nga ba? Marahil tapos na.. Tama nga na ganito na lang. Pagod ka na kasing masaktan. Pagod ka ng umunawa. Pero pinapatay ka ng diwa mong nagsasabi na di mo kayang wala siya. Na nagkabiglaan lang kayo. Na mahal na mahal mo pa rin siya sa kabila ng lahat.
Hinabol mo siya. Hinanap. Send ng send ng text pero walang reply. Tinawagan pero ayaw sumagot. Lagot na. Natatakot ka na. Balisa at di mo na alam ang gagawin. Palipasin ang gabi, baka okay na kayo bukas..
Pero..
Kinabukasan..
Sa susunod na araw..
Sa susunod pa..
Isang linggo na nakalipas ..
Di na pala.. Hinintay ka lang niya na sabihin mo na pagod ka na.. Kasi matagal na niya gustong bumitaw.
Tuesday, February 21, 2012
tamad na tamad na tamad nako sa buhay ko. masaya naman ako na single pero lately nararamdaman ko na naman ung PARANG may kulang
super busy naman ako kaibigan dito kaibigan doon gala dito gala doon yung tipong umaga na uuwi sabay tutulog tapos alis ulit ng gabi
perooooooooo. ewan ko ba namimiss ko ang sarili ko na inlove.. yung tipong may taong - kinukwentuhan ka ng success mo sa buhay - inaaway mo for no reasons at all - sinasama sa kung anu anong mga lakad - kinukulit at ginugulo para lang maitext ng mga chessy eklavu mo - yung una mong naisip pag gising mo at huli mong naaala bago ka matulog - at kung anu ano pa .. iba padin pala yung may someone special talaga.
pero hindi ko naman sinasabing malungkot ang pagiging single.. madaming advantage .. - sayo lang ang pera mo - hindi mo kailangang magpaalam pag aalis or gigimik ka - madami kang quality time with loved ones - libre kang mag sight seeing all the way - at hindi ka stressed kakaisip kung ok lang ba sya pag hindi sya nakatawag or nakapag text sayo - etc ..
sa totoo lang ang tingin ko sa babae STRESS .. you have to please them at sabayan ang mood swings nilang kay gulo .. parang lalake minsan malala pa ..
Monday, February 20, 2012
Sa buhay di ko dapat isipin ang mga sakit na aking naranasan, pero dahil kailangan paano ko malalaman kung ano ang itinuro nito, diba? Kailangan eh… hindi kung gaano ako umiyak; kundi kung paano ako ngumiti, at hindi kung gaano ako nasaktan; kundi kung gaano ako minahal. Everything for you is all uncertain, kahit kailangan mali ka parin. Dapat pinanansin mo yung mga bagay na ang pagka-kaalam mo ay hindi mahalaga. You don’t realize that you’re hurting me so much that sometimes I cant handle it anymore. Bakit ba nangyari ito? Dahil kailangan, ganon? To get my heart to be broken to learn to love? Then these things went wrong, as in maling-mali. Why cant we forgive each other, coz we both know that this is just a test, lets know our mistakes, give each others chance to change and to start wad we had before! Kailangan kasi! Mahal na kita, tinuruan mo ako and I don’t want you to let go… Saan ba ito nagsimula? Dati naman were happy on each others company. hahays!!!