Wednesday, February 22, 2012

Madalas mong nasasabi yan sa kanya tuwing nag-aaway kayo. Paulit-ulit na lang kasi. Kaya nakakasawa na. Di mo na siya maintindihan. Ang dami niyang sinasabi pero ni isa sa mga sinabi niya di mo naman nagawa. Sinusumbatan ka niya sa lahat ng pagkakamali mo. Nakakairita na. Gusto mo siyang sigawan pero di mo rin kayang makita siyang lumuluha.

Pasensya. Pasensya na lang. Nagpapataasan na kayo ng pride. Ayaw magpatalo. Parehong may gustong sabihin. Parehong tama. Kaya nung sinabi mong tama na. Na pagod ka na, Natahimik siya. Akala niya kasi hiwalayan na. Kaya sumagot siya,

“OO! tama na talaga! Pagod na din ako!”

Umalis na siya. Nag-walkout. Naiwan kang mag-isa. Napaisip.. Tapos na nga ba? Marahil tapos na.. Tama nga na ganito na lang. Pagod ka na kasing masaktan. Pagod ka ng umunawa. Pero pinapatay ka ng diwa mong nagsasabi na di mo kayang wala siya. Na nagkabiglaan lang kayo. Na mahal na mahal mo pa rin siya sa kabila ng lahat.

Hinabol mo siya. Hinanap. Send ng send ng text pero walang reply. Tinawagan pero ayaw sumagot. Lagot na. Natatakot ka na. Balisa at di mo na alam ang gagawin. Palipasin ang gabi, baka okay na kayo bukas..

Pero..

Kinabukasan..

Sa susunod na araw.. 

Sa susunod pa..

Isang linggo na nakalipas ..

Di na pala.. Hinintay ka lang niya na sabihin mo na pagod ka na.. Kasi matagal na niya gustong bumitaw. 






No comments :

Post a Comment