Tuesday, March 8, 2011

Rain

hahays.. ulan na naman.. hurrmmmm.. katulad ng ulan sa tag-araw, u came into my life. Pagod na pagod na ang puso ko noon at sinabi ko nang ayaw ko na magmahal at magtiwala uli. lahat ng kulay sa paligid ko ay nabawasan na ng tingkad dala ng mahabang tag-init. pati ang puso ko ay nawawalan na ng lakas... pero dahil katulad ka ng ulan, hindi ko napigilan ang iyong pagdating. hindi ko magawang harangin ang mga patak mo hanggang sa tuluyan akong nabasa. sa simula ay galit na galit ako sa'yo. masaya naman na sana ako kahit pa napakahaba na ng tag-araw. okay lang ako. tanggap ko nang wala nang sigla ang buhay ko. ngunit sa bawat patak ng ulan ay unti-unting humuhupa ang galit ko. unti-unting nababawasan ang pagod ko hanggang sa tuluyan na akong sumuko. pinili kong pumikit na lang at hintayin kung kailan titila ang bawat patak mo.. (To be Continue..) hope umulan uli bukas.. hahaha..


pagmulat ko, nasa harap na kita. tulad ng ulan, kusa kang dumating. hindi kita hinanap o hinintay tila lahat ng kulay sa paligid ko ay muling tumingkad, muling gumanda nang dahil sa'yo. sa pagdating ng ulan ay tila nahugasan nito ang bawat lungkot at pait."huwag ka nang malungkot. nandito na ako," sabi mo. may magagawa pa ba ako? kahit naman ipagtabuyan kita ay babalik at babalik ka rin. Katulad ng ulan sa tag-araw. tuluy-tuloy lang sa pagpatak hanggang lumambot ang tigang na lupa. hindi ko alam kung paano nangyari pero ang pag-asang matagal ko nang ibinaon sa limot kasabay ng mapait kong nakaraan ay tila muling nabuhay. At muli akong umasa na may isang magandang bukas na naghihintay kasama ka…aking ulan. END... (tinapos ko nah, para di kayo mabitin sa pagbasa)
LOL!!!! hahaha...
I MISS YOU but I don't wanna assume that you feel the same way too: s a d n a n a : 

No comments :

Post a Comment